Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik si Police Superintendent Jovie Espenido sa Ozamiz City, Misamis Occidental.
Ito ay sa gitna na rin ng maigting na laban ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Sa pagbisita nito sa Ozamiz City, tinawagan ng Pangulo si Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde na ilipat si Espenido.
Batid ng Pangulo na pinagkakatiwalaan ng mga residente sa Ozamiz si Espenido.
Naghiyawan ang mga madla dahil sa plano ng Pangulo.
Nalito pa ang Pangulo kina Albayalde at Espenido.
Matatandaang nagsilbi bilang hepe ng pulisya sa Albuera, Leyte si Espenido noong 2016 kung saan napatay si Mayor Rolando Espinosa sa loob ng selda nito.
Nang italaga si Espenido bilang Ozamiz City Police Chief ay pinangunahan niya ang drug raid kung saan napatay si Mayor Reynaldo Parojinog nitong 2017.