Manila, Philippines – Ipinadedeklarang walang bisa ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Alfredo Benitez sa National Housing Authority ang libo-libong “transfer of housing units” at lupa na ibinenta ng mga original beneficiaries ng government socialized housing programs.
Sa House Resolution 1906 na inihain ni Benitez, layunin nito na wakasan na ang “boom and bust situation” sa mga housing projects ng pamahalaan na dulot ng mga tinatawag na professional squatters.
Ayon sa mambabatas, dapat na magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang NHA upang mabatid kung anong mga housing units ang naibenta na o kaya ay pinarentahan ng orihinal na benipisyaryo.
Itinuturong dahilan ni Benitez ang ganitong practice ng mga beneficiaries na nagiging sanhi kayat hindi nagtatagumpay ang government’s housing program.
Sa ilalim ng Republic Act no. 7279 o ang Urban Development and Housing Act mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o pagpaparenta sa mga socialized housing units ng gobyerno.