Manila, Philippines – Inatasan ng Palasyo ng Malacañang ang Department of Justice na ipadeport ang 4 na Chinese Nationals na nahatulan ng panghabang buhay na pagkakabilanggo dahil sa pagooperate ng floating shabu laboratory sa Subic Bay.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, tuloy tuloy ang pakikipagugnayan nila sa DOJ para matiyak na maipatatapon pabalik ng China ang mga nahatulan upang hindi na makapaghasik pa ng lagim sa Pilipinas.
Tiniyak din naman ni Panelo na walang special treatment na ibinibigay sa mga Chinese national pero habang nasa pilipinas aniya ay binibigyan parin naman ang mga ito ng tamang pagtrato bilang pagsunod narin sa itinakda ng bill of rights ng ating saligang batas.
Matatandaan na nahatulan ng Guilty ang 4 na Chinese Nationals ng Olongapo City Regional Trial Court matapos mahuli sa floating shabu laboratory noong 2016.