Manila, Philippines – Ipinagutos na ni House Speaker Gloria Arroyo ang pagbawi sa number ‘8’ protocol plates na inisyu ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ay kasunod na rin ng pagkakasangkot sa eskandalo at insidente ng isang Toyota FJ Cruiser na sasakyan na may otsong plaka na kung saan nagpakilala ang sakay nito na anak ng isang Congressman.
Sa sesyon ay inanunsyo ni House Majority Leader Rolando Andaya ang pagbawi sa lahat ng otsong plaka ng mga kongresista na inisyu noong 16th Congress.
Inatasan din ang mga mambabatas ng agad na pagbabalik sa protocol plates sa tanggapan ng Secretary-General.
Mababatid naman na wala pang iniisyung otsong plaka ngayong 17th Congress.
Kahapon ay itinanggi naman ni Pampanga Rep. Carmelo Lazatin II na siya ang may-ari ng Toyota FJ Cruiser at hindi niya anak ang ang nagpakilala na sakay ng sasakyan.