Manila, Philippines – Sinimulan na ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-iisyu ng mga bagong arrival at departure card para sa mga dayuhang pasahero sa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Pinalitan ng BI ang lumang travel card dahil kapos ito sa sapat na impormasyon kaugnay sa traveler na patungo at palabas ng bansa.
Ang paggamit ng arrival at departure card ay nakagawian na sa mga immigration department ng maraming bansa dahil naidodokumento nang maayos ang mga pasahero
Itinuturing din ang mga travel card bilang legal document sa pagkuha ng impormasyon na wala sa pasaporte ng mga pasahero
Ang arrival at departure card ay iniiwan ng pasahero sa immigration inspector pagdating nito sa bansa o bago bumiyahe patungo ng abroad.
Facebook Comments