IPINAGBAWAL NA | 25,000 Angkas riders, nanganganib na mawalan ng trabaho

Manila, Philippines – Nasa dalawampu’t limang libong mga Angkas biker ang nanganganib na mawalan ng trabaho ngayong magpa-Pasko.

Ito ay matapos na pansamantalang pigilin ng Supreme Court (SC) ang operasyon ng nasabing ride-hailing firm.

Ayon kay Angkas Head of Operations David Medrana – nakakalungkot lalo at inilabas ang desisyon sa panahon kung saan nasa daang libong mga commuter ang nangangailangan ng Angkas dahil sa paglala ng holiday traffic.


Nasa 99.997 percent aniya ang kanilang safety record.

Dagdag pa ni Medrana – itutuloy nila ang kanilang laban na makapagbigay-serbisyo sa mga commuter nang ligtas gayundin ang pagsasalegal ng kanilang mga partner rider.

Umaasa rin daw ang Angkas na kalaunan ay magdedesisyon ang Korte Suprema na papanig sa riding public.

Facebook Comments