IPINAGDARASAL | Muslim Congresswoman, umaasa sa tuluyang pagpapatupad ng BOL ngayong Eid’l Adha

Manila, Philippines – Ipinagdarasal ngayon ni Anak Mindanao Party list Rep. Amihilda Sangcopan sa pagtatapos ng Eid’l Adha ang tuluyang pagpapatupad sa Bangsamoro Organic Law.

Ayon kay Sangcopan, tulad ng Eid’l Adha na nagpapahalaga sa pagsasakripisyo at sinseridad, ganito rin ang inaasahan ng kongresista na hindi masasayang ang pagsasakripisyo at pagtatyaga ng mga kapatid na Muslim para sa inaasam na kapayapaan at pagunlad sa ilalim ng BOL.

Umaasa si Sangcopan na agad mailalatag at maipapatupad ang BOL at mararatipikahan ng mga bayan na sasama sa Bangsamoro region.


Mababatid na agad pinirmahan ni Pangulong Duterte ang BOL matapos na makalusot at ma-ratify sa Kongreso.

Ngayong huling araw ng Eid’l Adha ang pagtatapos ng annual pilgrimage ng mga kapatid na Muslim sa Mecca kung saan ginugunita ang pagsasakripisyo ni Ibrahim sa kanyang anak na si Ismael bilang pagsunod at patunay ng kanyang sinseridad sa pananampalataya kay Allah.

Facebook Comments