Marawi – Mahigit sampung milyong pisong tulong pinansyal ang ipinagkaloob ng gobyerno sa pamilya ng 7 pulis na nasawi sa bakbakan sa Marawi.
Batay sa rekord ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), sa pitong pulis na nasawi sa operasyon, 3 dito ay galing Police Regional Office-Autonomous Region of Muslim Mindanao (PRO-ARMM), at 4 sa Special Action Force commandos.
Ang pamilya nina PO1 Fredie Solar, Police Inspector Edwin Placido, at PO1 Junaid Mama ng ARMM at SAF commandos naman na sina PO3 Alexis Mangaldan, PO1 Moises Kimayong, PO2 Alexis Laurente, at PO3 Daniel Tegwa ay tumanggap ng Presidential Social Fund – Special Financial Assistance na nagkakahalaga ng P250,000 at iba pang benepisyo na katumbas ng P1.5 Million.
Ang iba naman sa tulong na iginawad sa mga pulis ay galing Office of the Chief PNP, President Rodrigo Roa Duterte, One Philippines Foundation, Inc., at Regional Comptrollership Fund.
Kahapon May 23, ginunita ang Marawi seige kung saan isang taon na ang nakakalipas nang simulang salakayin ng maute isis terrorist group ang Marawi City na nag iwan ng mahigit isang libong sibiyan, sundalo at pulis na patay.