Makati City – Ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod ng Makati ang 39 na Automated External Defibrillators (AEDs) sa Department of Education-Makati (DepEd-Makati).
Ang nasabing emergency equipment ay ginagamit sa pag-revive ng pasyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng electric shock sa dibdib patungo sa puso.
Noong Miyerkules ibinigay sa mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod ang nasabing equipment.
Ang pamamahagi ng nasabing portable device ay isang hakbang tungo sa katuparan ng mithiin ng lungsod na magtatag ng “resilient communities” na binubuo ng mga mamamayang may kakayahan na makaligtas sa anumang sakuna o kalamidad.
Mahalaga ang portable defibrillator sa pagbibigay ng paunang lunas sa mga nakakaranas ng biglang atake sa puso dahil makakatulong ito sa pagsasagawa ng CPR o cardio-pulmonary resuscitation.
Nauna rito, nakapagbigay narin ang pamahalaang lungsod ng Emergency Go Bags sa mga paaralan na naglalaman ng pagkain, tubig, hygiene kit, first aid kit, flashlight at iba pang kapaki-pakinabang na kagamitan.