Nagkaloob ng solar powered modular facility ang Department of Science and Technology (DOST) sa Pawikan Hatchery ng Barangay Bunsuran, Ferrol sa lalawigan ng Romblon.
Ang naturang solar powered modular facility ay magiging power house ng mga Bantay-Dagat members ng Ferrol sa pagbabantay sa kanilang karagatan lalo na ang Marine Protected Area ng Sitio Binucot.
Ayon sa DOST nilagyan nila ang solar powered modular facility ang computer at printer na magagamit ng mga Bantay Dagat sa kanilang information dissemination kung paano mapapangalagaan at mapaparami ang mga pawikan.
Ayon sa DENR, ang kalimitang nakikita na nangigitlog na pawikan sa Binucot ay ang Green, Olive Ridley, Hawksbill at Leatherback.
Facebook Comments