Amerika – Ipinagkaloob ni U.S. President Donald Trump ang clemency sa isang 63-anyos na drug offender.
Nahaharap sa kasong non-violent drug offence at hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong si Alice Johnson dahil sa pagbenta ng cocaine noong 1996.
Nabatid na binisita ng artistang si Kim Kardashian si Johnson para suportahan ang kanyang pagpapalaya.
Isinusulong ni Kardashian ang mababang parusa sa mga mababaw na kaso ng droga.
Facebook Comments