Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng Malacañang sa Kongreso ang desisyon, sakaling nais ituloy ng mga mambabatas ang isinusulong nilang pagsususpinde sa TRAIN law.
Ito ay sa gitna ng usapin ng inflation rate sa mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, bagamat hindi imposible ang pagsususpinde sa TRAIN law, hindi rin aniya ganon kadali ang prosesong ito.
Ito ay dahil nakasaad sa konstitusyon na kailangan muna ng isang batas para suspindihin ang isa pang batas.
Bukod dito, hindi aniya angkop ang ganitong suhestiyon sa kasalukuyan dahil maaantala ang mga proyekto ng pamahalaan na ang pondo ay nag-mumula sa TRAIN law
Facebook Comments