Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng Dept. of Justice sa Manila Regional Trial Court kung idedeklara nito o hindi na terorista ang mahigit 600 personalities na kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang petition to para sa pagdedeklara sa CPP-NPA-NDF (National Democratic Front) bilang terrorist organization sa ilalim ng Human Security Act ay pending na sa Korte
Bahala na aniya ang lower court naagpalabas ng final determination.
Kahapon, nagtungo sa DOJ ang Kalipunan ng mga Katutubong Mamayan ng Pilipinas, Philippine Task Force for Indigenous People’s Rights (TFIP), at Indigenous Peoples Movement for Self-Determination and Liberation (IPMSDL) para magsumite kay Guevarra ng mga pangalan ng indigenous peoples na nais nilang maalis sa talaan ng mga terorista.