Manila, Philippines – Tiwala si House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali na hindi mababaliktad ang desisyon ng Korte Suprema na pumabor sa quo warranto petition laban sa pinatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Umali, naniniwala siyang masasayang lang ang oras ng mga grupong mag hahain ng motion for reconsideration sa desisyon ng Supreme Court en banc.
Kinontra rin ni Umali ang mga nagsasabing tanging sa impeachment trial lang maaaring patalsikin ang isang punong mahistrado dahil nasa batas aniya na may hurisdiksyon ng Korte Suprema para dingin ang quo warranto petition.
Habang ipinaliwanag ng mambabatas na fundamental principle ng constitutional law na walang ng one year prescriptive period para sa paghahain ng quo warranto petition sa itinalagang Chief Justice kung ang naghahabol ay ang estado.
Sa ngayon ay hinihintay ng kamara ang magiging pinal na desisyon ng korte suprema bago desisyon ang impeachment complaint laban kay sereno upang maiwasan ang constitutional crisis.