IPINAGMALAKI | 60,000 illegal parking, natiketan ng MMDA

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni MMDA General Manager Jojo Garcia na umaabot na 60,000 bawat buwan ang kanilang tiketan ng mga illegal parking sa Metro Manila.

Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila, sinabi ni Garcia kung noon ay apat na libo na mga illegal parking ang kanilang natitikitan at hindi marerehistro ang kanilang mga sasakyan kung hindi mabayaran ang kanilang violations.

Paliwanag naman ni dating MMDA Chairman Benjamin Abalos, noong panahon nila ay walang kolurom konting trapiko lamang ay kaagad na tumatawag na kaagad si PGMA kung saan sinang-ayunan naman ito ni Fernando.


Ikinwento pa ni Fernando na tumawag umano sa kanya si dating PGMA at tinatanong kung bakit matrapik ang paliwanag naman ni Fernando kay dating PGMA kaya pala matrapik dahil pala sila ang nakaharang dahil sa Presidential convoy.

Giit ni Garcia, koordinasyon sa mga Local Govt. opisyal ang kailangan upang matuldukan na ang matagal ng problema sa trapiko sa Metro Manila.

Facebook Comments