Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nalampasan nito ang puntiryang koleksyon sa unang limang buwan ng 2018.
Mula January hanggang May 2018, nakalikom ang ahensya ng P827.91 billion.
Ito ay 3.10% o P24.91 billion na mas mataas kung ihahambing sa target nito na P803.00 billion .
Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, ang nalikom ay 14.7% o P106.51 billion na mataas kung ihahambing sa nakolektang P721.40 billion noong 2017.
Aniya ang mataas na nalikom na buwis ay bunga ng pinaigting na collection efforts ng ibat-ibang field offices ng ahensya.
Facebook Comments