IPINAGMALAKI | BOC, sumobra ang collection target sa buwan ng Mayo

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng pamunuan ng Bureau of Customs na ang Revenue Collection na as of 16 out of 17 Ports ay sumobra ang collection sa buwan ng Mayo na umaabot sa kabuuang P52.601-billion ang kinita ng ahensiya.

Ayon sa BOC – Financial Service na ang ahensiya ay nakakuha ng 3.9 percent o katumbas ng P1.973-billion revenue surplus sa buwan ng Mayo kung saan P50.628-billion ang target ng BOC.

Paliwanag ni BOC Isidro Lapeña na pumapalo ng mahigit 32 percent o katumbas ng P12.763-billion mas mataas kumpara noong koleksyon nakaraang taon na P39.838-billion sa kaparehong buwan.


Dagdag pa ni Lapeña na sa kanyang 9 na buwan na panunungkulan ay lalong gumanda ang kita dahil ang pagtaas ng koleksyon ng BOC ay bunsod na rin sa pinaigting na kampanya ng 16 district ports upang makuha ang target kolesyon ng ahensiya.

Giit ni Lapeña na ang value of imports ng ahensiya ay tumaas ng 17.8%.dahil na rin sa tuloy tuloy na tamang valuation and tariff classification of goods,” ng BOC kasama na rito ang pagtaas ng palitang ng dolyar at oil price, at pagtaas ng g importation ng mg sasakyan.

Facebook Comments