Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) na higit 300,000 manggagawa ang na-regular na sa kanilang trabaho.
Ayon kay DOLE Asec. Benjo Benavidez – nabigyan ng regular na trabaho ang nasa 312,000 sa pribadong sektor.
Mula sa nasabing bilang, 228,000 dito ay boluntaryong na-regular ng kanilang employer o principal habang ang natitirang 84,000 ay regularized kasunod ng pag-iinspeksyon ng dole sa iba’t-ibang establisyimento.
Dagdag ni Benavidez – nakatulong ang inilabas nilang listahan ng nasa 3,377 na kumpanyang nagsasagawa ng labor-only contracting.
Nakapag-inspeksyon na rin ang DOLE ng 52,000 establisyimento at mayroon pang 3,000 ang kanilangan nilang puntahan bago matapos ang buwan.
Facebook Comments