Manila, Philippines – Ibinida ngayon ng palasyo ng Malacañang na hindi na kulang ang paggastos ng Pamahalaan o wala nang nangyayaring underspending ngayon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, batay sa impormasyong galing mula sa Department of Budget ang Management ay 606.3 billion pesos na ang nagamit sa 618 billion pesos na inilaan ng Gobyerno para sa ibat-ibang programa at proyekto ng pamahalaan.
Ibig sabihin aniya nito ay nasa 98% na ng inilaang budget ang nagamit na para sa unang bahagi o 1st Quarter ng 2018.
Sinabi din ni Roque na dahil sa magandang spending record ng Pamahalaan ngayon at hindi na kailangan ng disbursement acceleration program na naging kontrobersyal noong nakaraang administrasyon na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema na ginamit para umano sa mga proyekto ng gobyerno na hindi umaandar.