Manila Philippines – Ipinagmalaki ng plasyo ng Malacañang na nakuha ng administrasyong Duterte ang may pinakamataas na net satisfaction ratings kung ikukumpara sa mga nakaraang administrasyon sa nakalipas na 28 taon.
Ito ay matapos makuha ni Pangulong Duterte sa survey ng Social Weather Station net satisfaction rating ang plus 70% na ginawa noong Disyembre noong nakaraang taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maituturing itong record high dahil lumalabas sa nasabing survey ay ‘very good’ ang grading na ibinigay ng mga Pilipino sa Pangulo kaugnay sa pagsisikap nitong labanan ang terorismo at matulungan ang mga mahihirap pati na ang pagmantine ng mga public works.
Sinabi Roque, na ikinatutuwa ito ng palasyo at magsisilbing inspirasyon upang mas pag-igihin pa ang pagta-trabaho ng administrasyon upang hindi masira ang tiwala ng publiko.