Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng bilang krimen sa bansa sa unang anim na buwan ng taon.
Sa datos ng unit crime periodic reports bumaba ng 17.39 percent ang crime incident sa bansa mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.
Mula sa 275,702 na crime volume noong Enero hanggang Hunyo ng nakaraang taon bumaba ito sa 227,757 ngayong 2018 o pagbaba na 47,947 crime incidents.
Bumaba ng 9.47 percent ang homicide incident o katumbas ng 108 na kaso.
Habang ang murder ay bumaba ng 29.54 percent; physical injury, 33.8 percent; rape, 24.82 percent; robbery, 34.40 percent; theft, 36.90 percent; carnapping of moto vehicle, 36.61 percent at carnapping of motorcycle na bumaba ng 36.61 percent.
Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng krimen, tiniyak ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na hindi sila magpapakampante lalo ngayong holiday season kung saan talamak ang petty crimes at sa election period kung saan posible ang mga election-related violence.