IPINAGMALAKI | Remittance ng mga GOCCs, pinakamataas sa nakalipas na 3 taon – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Palasyo ng Malacañang na tumaas ang remittances ng mga Government Owned and Controlled Corporations o GOCCs sa National Government ngayong taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang remittance mula sa 51 sa 77 GOCCS ay umabot sa 31.297 billion pesos as of July 12, 2018 at mas mataas ito ng 64% o katumbas ng 19.1 billion pesos kung ikukumpara sa naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Sinabi ni Roque na ibinida ng Department of Finance na nahigitan ng Mid July collections na ito ang isang buong taong koleksyon sa nakalipas na 3 taon.


Kabilang naman aniya sa top 10 GOCCs na malaki ang naibalik ang Civil Aviation Authority, Philippine Ports Authority, Philippine Deposit Insurance Corporation, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Philippine Charity Sweepstakes Office, Bangko Sentral ng Pilipinas, Manila International Airport Authority, Food Terminal Incorporated, Development Bank of the Philippines, at Bases Conversion and Development Authority.

Facebook Comments