IPINAGMAMALAKI | DepEd, kuntento sa performance ng mga guro sa nagdaang eleksyon

Manila, Philippines – Ipinagmamalaki ng Department of Education (DepEd) ang naging performance ng mga guro na nagsilbi sa Barangay at SK Elections kahapon.

Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, kahit na sobrang nakakapagod at stressful ang trabaho ng mga guro tuwing eleksyon ay hindi naman sila nagpa apekto at itinuloy parin ang kanilang tungkulin.

Isang halimbawa aniya dito ang paghahanap ng pangalan ng mga botante sa masters list pero ang totoo ay hindi naman pala sila rehistrado.


Pinapurihan din ni Umali ang mga guro dahil mas maaga pa sa alas siete sila pumunta sa mga polling precincts at gabi narin umuwi upang asikasuhin ang mga kinakailangan sa eleksyon at bilangan ng boto.

Sinabi pa nito na talagang maaasahan ang mga guro na maituturing na totoong bida sa bawat halalan.

Facebook Comments