Ipinagpaliban muna ang repatriation ng mahigit 400 na Filipino crew members ng Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan

Ito ay para bigyang daan ang pagkumpleto sa laboratory testing sa naturang mga Pinoy na gagawin ng Japanese health authorities.

Ito ay bilang pagtalima na rin sa quarantine protocols ng Japan.

Patuloy namang tinututukan ng Philippine Embassy sa Tokyo ang sitwasyon ng Filipino crew members habang sila ay sumasailalim sa quarantine protocols ng Japan.


Bukas sana nakatakda ang repatriation ng naturang mga Pinoy kung saan sila ay isasakay sa dalawang eroplano na may tatlong oras ang pagitan ng paglipad.

Facebook Comments