Hindi natuloy sa Pasay City Regional Trial Court ang arraignment ni Rey Joseph “RJ” Nieto na nasa likod ng Thinking Pinoy blog.
Ito ay dahil wala si Judge Wilhelmina Wagan ng Pasay City Regional Trial Court Branch 111.
Ayon sa staff ng hukuman, may importanteng lakad si Judge sa Tagaytay ngayong araw.
Dahil dito, ipinagpaliban sa susunod na Miyerkules ang pagbasa ng sakdal kay Nieto.
Matatandaang sinampahan ni Senador Antonio Trillanes IV sa Pasay City Prosecutor’s Office ng kasong libelo si RJ Nieto kaugnay ng blog nito hinggil sa umano ay pagtawag kay Senator Trillanes bilang “drug lord”.
Bukod sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, pinagbabayad din ng mambabatas si Nieto ng P1 milyon bilang moral damages, P1 milyon para sa exemplary damages at P250,000 para sa atty’s fee.
Matatandaan na hindi isinama ni Senator Antonio Trillanes sa kaso ang reporter na naglabas ng artikulo, ito ay matapos na humingi ng paumanhin ang reporter na pinagbasehan ng artikulo ni Nieto.