Manila, Philippines – Muling ipinagpaliban ng Manila RTC ang arraignment sana ngayong araw kay self-confessed drug trader Kerwin Espinosa.
Ito ay dahil sa walang pasok ngayong araw ang mga korte sa Maynila dahil sa pagdating ni Chinese President Pres. Xi Jinping
Noong November 15, ipinagpaliban din ng Manila Regional Trial Court branch 40 ang hearing sa nasabing kaso dahil naka-leave si Judge Alfredo Ampuan.
May kaugnayan ang kasong murder ni Espinosa sa sinasabing pagpatay nito kay Chairman Vicente Jabon ng Barangay Donya Maria, Albuera, Leyte noong May 2006 , kasama sina Max Miro at Stephen Bobares.
Una nang naghain ng not guilty plea si Espinosa sa arraignment noong Ausgust 31.
Facebook Comments