Manila, Philippines – Wala munang mangyayaring suspensyon kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino.
Kasunod ito ng inilabas na kautusan ng Quezon City RTC branch 83 kung saan binigyan siya ng 15 araw para magsumite ng position paper at ipaliwanag ang kanyang panig hinggil sa kinahaharap niyang kaso kaugnay ng long-term lease agreement ng lungsod sa SM prime holdings inc.
Ayon kay Mayor Paulino, mismong ang DILG na ang huling sa korte na huwag munang ipatupad ang anim na buwang suspensyon na epektibo sana ngayong araw.
Una rito, umapela ang alkalde na ipagpaliban muna ang suspension order ng Office of the Ombudsman laban sa kanya dahil nasa state of calamity pa ang Olongapo City.
Kasunod ito ng nanguyaring malawakang pagbaha sa kanilang lugar bunso ng sunud-sunod na pananalasa ng bagyo at habagat.
Dagdag pa rito, dumaraming kaso ng leptospirosis sa Olongapo na kailangan niyang tutukan.