Manila, Philippines – Hindi natuloy ang unang araw ng verification ng lagda para sa recall election sa San Juan City.
Ayon kay Election Officer Atty. Gregorio Bonifacio, wala pa kasing nire-release na pondo ang COMELEC kung kaya at ito ay naipagpaliban sa ngayon.
Naghihintay pa din sila ng instruction mula sa COMELEC main office at sa oras na matanggap nila ang pondo, agad na itutuloy ang nasabing beripikasyon.
Ngayong araw sana ang pagsisimula ng verification of signatories & thumbmarks of petitioners na magtatagal hanggang Mayo a-13.
Matatandaang ibinasura ng Commission on Election (COMELEC) ang motion for reconsideration ni San Juan Mayor Guia Gomez na humihiling na maibasura ang election recall petition ng katunggaling si Francis Zamora.
Facebook Comments