IPINAGTANGGOL | Anti-political dynasty provision sa BBL, idinepensa ni Sen. Zubiri

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang anti-political dynasty provision na nakapaloob sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL na ipinasa ng Senado.

Paliwanag ni Zubiri, matagal nang naging problema sa Mindanao ang isyu patungkol sa political dynasties kaya naglagay sila ng probisyon sa BBL hinggil dito.

Sa bersyon ng Senado ng BBL ay ipinagbabawal ang mga political families o magkakamag-anak hanggang second degree of consanguinity na magsama sa Bangsamoro parliament.


Ayon kay Zubiri, layunin na nito na hindi mahawakan ng iisang pamilya lamang ang Bangsamoro parliament.

Samantala, itinakda naman sa July 9 hanggang 13 ang bicameral conference committee ukol sa proposed BBL kung saan pangungunahan ni Zubiri ang mga kinatawan ng Senado na kinabibilangan nina Senators Sonny Angara, Koko Pimentel, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Chiz Escudero, Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Loren Legarda, at Kiko Pangilinan.

Facebook Comments