Manila, Philippines – To the rescue ang aktor na si JM De Guzman sa aktres na si Barbie Imperial.
Ito ay matapos i-bash si Imperial sa instagram.
Base sa instagram comments, tinawag ng basher si Barbie na ‘mukhang bakla’ at ‘trying hard’.
Bukod dito, pinayuhan din ng basher ang fans ng aktres na magdalawang-isip tungkol sa tunay niyang katauhan.
Dito na dumipensa si JM ay sinagot ang basher na: *“umayos ka iha… mali ‘yan”*
Gumanti rin ang mga tagasuporta ni Barbie sa basher.
Si JM at Barbie ay co-stars sa isang nagtapos na afternoon serye ng isang TV network.
Una nang nilinaw ni JM na hindi pa sila ni Barbie.
Facebook Comments