Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang umento sa sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Ayon kay NWPC Executive Director Maria Criselda Sy, ang wage increase sa NCR ay resulta ng konsultasyon sa lahat ng stakeholders.
Sa bagong wage order, bukod sa P25 ay isinama na rin sa daily wage ang P10 cost of living allowance, kaya aniya lumalabas na P35 ang kabuuang umento sa suweldo.
Idinagdag din ni Sy na isinaalang-alang ng ahensiya ang apekto ng wage increase sa ekonomiya na tiyak na magpapalala sa inflation kung saan tataas pa ang halaga ng mga pangunahing bilihin at mga serbisyo.
Facebook Comments