Manila, Philippines – Dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Ayon kay Duterte, ang revenues na nakukuha sa TRAIN law ay ginagamit para patakbuhin ang bansa.
Aminado ang Pangulo na mataas ang inflation dahil sa tax reform law pero kailangan niya ng pondo para paganahin ang bansa.
Paliwanag pa ng Punong Ehekutibo, ipinatupad niya ito lalo hindi ibinigay sa kanya ng kongreso ang emergency powers para sa resolbahin ang problema ng trapiko sa Metro Manila.
Una nang sinabi ni Finance Assistant Secretary Paola Alvarez, nasa 0.4% lang ang epekto ng TRAIN law mula sa 4.5 inflation rate.
Facebook Comments