IPINAGTANGGOL | Teresa Loyzaga, dinipensahan ang anak na si Diego sa mga bashers nito

Manila, Philippines – Idinepensa ng aktres na si Teresa Loyzaga ang kontrobersyal na pag-post ng kanyang anak na si Diego Loyzaga sa throwback photo nito habang nasa Boracay Island.

Umani kasi ng batikos si Diego mula sa ilang netizens na nagsabing nakaka-offend daw ang ginawa nito lalo at pansamantalang nakasara ang isla para sa anim na buwang rehabilitasyon.

Ayon kay Teresa, simpleng tribute lang naman sa kaibigan ang ginawa ng kanyang anak kaya sana ay huwag bigyan ng ibang kahulugan.


Umalma rin si Teresa nang tanungin ng isa pang netizen si Diego kung ano ang masasabi nito tungkol sa isyung kinakaharap ng ama si Cesar Montano.

Paliwanag ni Teresa, mas mabuting dumirekta na lamang ang mga ito kay Cesar para malaman nila ang sagot at kung ano ang katotohanan.
Sa huli, nakiusap ito na huwag na daw silang i-relate pa kay Cesar dahil tahimik na sila at maayos naman ang kanilang pamumuhay.

Facebook Comments