Manila, Philippines – *‘*Wala ng ibibigay na jacket!’
Ito ang inanunsyo ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat kasabay ng pagpapatigil ng procurement ng 863 customized reversible jackets na nagkakahalaga ng 1.2 million pesos.
Ang mga jacket ay kadalasang ibinibigay sa mga nagdidiwang ng kanilang kaarawan sa DOT.
Itinanggi rin ng kalihim ang mga ulat na sinimulan na ng DOT employees ang pagsusukat para sa kanilang jackets.
Nabatid na inaprubahan ni Tourism Undersecretary at Chairman ng bids and Awards Committee Kat De Castro ang bidding para sa pagbili ng mga jacket.
Ipinauubaya na ni Puyat sa Commission on Audit (COA) ang imbestigasyon para rito.
Facebook Comments