Manila, Philippines – Natukoy na ng National Food Authority (NFA) Council ang dahilan kung bakit patuloy ang pagmahal ng bigas sa kabila ng pagdating ng imported na bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, natukIasan nila sa mga isinagawa nilang inspection sa mga bodega sa Bulacan ang sangkaterbang 15% broken at 5% broken o premium at fancy na ibinebenta sa 60 pesos per kilo.
Paliwanag ni Piñol na may mga matiwaling traders ang idinedeklara ang kanilang imports bilang 25% broken para lamang makinabang sa mababang taripa.
Pero sa aktuwal, nagpapasok sila ng fancy at premium rice saka ibinebenta sa mas mataas na presyo.
Ang pagbebenta na ng imported fancy rice sa palengke ay ituturing ng smuggled rice at kukumpiskahin ng gobyerno.
Ang supply ng fancy or premium rice sa merkado ay tutustusan na lamang ng mga local rice farmers ng Dinorado, Milagrosa, Jasponica, RC 160, Heirloom Rice at iba pang indigenous rice varieties.