Ipinakakalat na fake news tungkol sa panawagang magbitiw si PBBM at paglalabas ng TRO ng Korte Suprema, iimbestigahan

Iimbestigahan ng Korte Suprema ang iba’t ibang fake news na kumakalat ngayon kaugnay sa umano’y panawagang magbitiw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa Supreme Court, nakarating sa kanila ang social media posts na nagsasabing may ipinadalang petisyon na naglalaman ng 16 na milyong pirma para sa resignation ni PBBM.

Itinanggi ng SC na may ganitong dokumento at wala rin daw na inilalabas na pahayag tungkol dito ang SC Spokesperson na si Atty. Camille Ting.


Pinabulaanan din ng Mataas na Hukuman ang mga post na magko-convene ngayon ang Supreme Court En Banc para talakayin ang nasabing petisyon.

Samantala, hindi rin palalagpasin ng Korte Suprema ang pagpapakalat ng tungkol sa sinasabing paglalabas ng Temporary Restraining Order noong ililipad na si dating Pangulong Rodrigo Duterte patungong The Hague, Netherland.

Hinikayat ng SC ang publiko na pagbasehan lamang ang official announcements mula sa official website at verified social media accounts.

Facebook Comments