Manila, Philippines – Daan-daang sundalo ang ipinakalat sa Port Irene, Sta. Ana, Cagayan para bantayan ang Philippine Rise.
Maliban sa pagsugpo sa komunismo at terorismo, iginiit ni Lt. Gen. Emmanuel Salamat, commanding general ng Northern Luzon command, na isa sa kanilang pangunahing misyon ay siguraduhing wala nang ibang bansa pa ang manghihimasok sa Philippine Rise.
Ayon naman kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, hindi puwersa kung hindi “diplomatikong usapan” ang kanilang tugon sa pagbibigay ng pangalan ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Gayunman, maghahain naman aniya ng diplomatic protest ang Pilipinas sa mga Artificial Island sa West Philippine Sea.
Sa mga retratong inilabas ng Philippine Institute for Peace Violence and Terrorism Research kamakailan, tila kumpleto na ang mga naglalakihang pasilidad ng China, mula sa runway hanggang sa mga pantalan.