Ipinakitang katapatan ng MILF sa  decommissioning process, pinuri ng DILG

Pinuri ni DILG  Secretary Eduardo Año   ang sinseridad sa  peace agreements  ng Moro Islamic Liberation Front.

Nauna rito, nangyari ang decomissioning ng 1,060 MILF combatants at 920 weapons  sa  Sultan Kudarat, Maguindanao noong Sabado.

Kabilang na rin dito ang  transition ng mga dating Moro rebel forces tungo sa mapayapang pamumuhay bilang sibilyan.


Tiniyak ng DILG Chief na magiging katuwang ang DILG sa pagtulong sa interim regional government ng  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao .

Lalo na ang suporta ng pulisya  para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan habang sumasailalim ito sa normalization phase.

Ipupursige ni Año na  maisama sa Police Force ang mga miyembro ng MILF at  Moro National Liberation Front sa loob ng limang taon matapos  ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

Sa ngayon inihahanda na ng DILG ang Road Map para epektibong mabigyan ng technical assistance ang   BARMM regional government habang nasa  transition period pa ito .

Facebook Comments