IPINALIWANAG | Mga pahayag ng Pangulo kaugnay sa mabagal na takbo ng ekonomiya, pamumukpok lang sa mga ahensiya

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ng Palasyo ng Malacañang kung bakit hindi parin nabibilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa takbo ng ekonomiya ng bansa matapos nitong sabihin na ito ay in doldrums o hindi gaano umaandar.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, posibleng nakikita ng Pangulo na hindi marin malakas ang andar ng Build Build Build program ng Pamahalaan sa mga lalawigan.

Isa din aniya paraan ng pagpukpok ng Pangulo sa mga ahensiya ng Pamahalaan sa mga lalawigan na bilisan at ayusin ang mga infrastructure projects sa mga lalawigan.


Ang pahayag ng Pangulo kaugnay sa ekonomiya ng bansa ay kabaligtaran naman ng ipinagmamalaki ng mga Economic managers nito na patuloy ang pagunlad ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa dami ng mga proyekto ng Administrasyon.

Facebook Comments