IPINANGAKO | Skills training programs ng TESDA, isusulong ni Lapeña

155

Manila, Philippines – Ipinangako ng bagong-talagang director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña na itataguyod ang skill training programs at services ng ahensya.

Naniniwala si Lapeña – ang pagbibigay ng dekalidad na skills training, jobs at profitable income sources ay solusyon sa maraming problema sa lipunan.

Una nang sinabi ni Lapeña na ang paglipat sa kanya sa TESDA ay itinuturing niyang promotion at pinasalamatan niya si Pangulong Rodrigo Duterte para rito.

Facebook Comments