IPINANGAKO | UK PM Theresa May, handang magbitiw sa pwesto

Ipinangako ni British Prime Minister Theresa May na bababa siya sa pwesto bago ang susunod na parliamentary election sa 2022.

Umaasa si May na mananalo siya sa pagharap niya sa no-confidence vote na ikinasa ng kanyang mga kapartido sa conservative party.

Paniniwala ng U.K leader na magdudulot lamang umano ng kaguluhan sa kanilang bansa ang pagpapalit ng liderato.


Sakali naman matalo sa botohan, mapipilitan si May na bumaba sa puwesto.

Facebook Comments