Ipinangakong hustisya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nasawing sundalo sa Jolo, Sulu, mananatili pa rin ayon sa Malakanyang

Nananatili pa rin ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang hustisya sa mga naging biktima ng nangyaring barilan sa Jolo, Sulu.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasunod ng pagkamatay ng apat na sundalo na una ng na-flagged down ng mga pulis sa isang checkpoint operation sa kalye ng Marina.

Ayon kay Roque, maging kay AFP Chief Gen Gilbert Gapay ay ipinangako ng Pangulo ang hustisya para sa mga nasawing sundalo.


Sa ngayon, hayaan na lamang aniya ang pag-usad ng proseso ng pagdinig sa Senado na nagsimula na kahapon (August 20).

Facebook Comments