Manila, Philippines – Ipinanukala ngayon ni House Committee on Transportation Chairman Cesar Sarmiento na dapat magkaroon na ng paliparan sa labas ng Metro Manila.
Kasunod ito ng insidente ng pagsadsad ng isang eroplano ng xiamen airline na nagresulta ng pagkaantala ng operasyon ng international runway ng NAIA.
Matatandaang hanggang ngayon, maraming flights pa rin ang kanselado dahil sa mga na-delay na biyahe bunsod ng insidente kaya labis ang pagsisikip ngayon sa paliparan.
Sabi ni Sarmiento – kahit palawakin ang NAIA, naniniwala siyang makararanas pa rin ng decongestion at traffic flow sa nasabing paliparan.
Para sa mambabatas, pinakapraktikal kung magtatayo na lang ng airport sa labas ng Metro Manila gaya ng Clark International Airport sa Pampanga.
Aniya, pwedeng gawing twin airport ng naia ang Clark na magseserbisyo para sa mga pasaherong papunta ng Bulacan hanggang hilangang Luzon.
Habang NAIA naman ang gagamitin ng mga papunta sa mga lugar na sakop ng “South catchment” o mula Quezon City hanggang Bicol.