Ipinapanukala na P1,000 monthly allowance sa mga manggagawang naka-work-from-home, posibleng maging counter-productive, ayon sa ECOP

Inihayag ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na posibleng maging counter-productive ang ipinapanukala ng mga mambabatas na bigyan ng P1,000 monthly allowance ang mga manggagawa na sumasailalim sa alternative work arrangement o work-from-home (WFH).

Ito ay kasunod nang isinusulong sa Senado na magpapalawig sa coverage ng telecommuting act at magbibigay ng incentives sa mga empleyadong pasok sa naturang set-up.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis na dahil sa nasabing allowance ay posibleng ang mga kompanya ay hindi na papayagang mag- work-from-home ang kanilang mga empleyado.


Paliwanag ni Ortiz-Luis na hindi naman lahat ng trabaho ay angkop sa WFH arrangement tulad sa sektor ng manufacturing at construction.

Darating rin aniya ang panahon na hahanapin ng mga kumpanya ang efficiency ng mga empleyado.

Kaugnay nito, sinabi ni Ortiz-Luis ay kailangan na ayusin ang problemang nararanasan sa transportasyon ng mga manggagawa.

Samantala, bukas naman si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido “Benny” Laguesma na maipagpatuloy ang work-from-home arrangement, pero sa piling sektor lamang.

Facebook Comments