Inaprubahan na sa huling pandinig ang ipinanukalang ordinansa o ang Municipal Ordinance No. 11-2023 kung saan nakapaloob ang pagkakaroon ng scholarship program sa bayan ng Manaoag o tinatawag nilang “Iskolar ako ng Bayan”.
Ang inaprubahang programa ay para magbigay ng scholarship sa mga karapat dapat na Senior High School students na may kakapusan sa pinansyal na aspeto ngunit nais na makapagtapos ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo.
Sa mga nais na mag apply ukol sa naturang scholarship program, maaari umabong mag submit ng mga kakailanganin ang sinumang estudyante na nakaenrol sa kolehiyo basta ay hindi tataas sa P200,000 ang annual income ng mga magulang.
Dapat rin umano na walang disciplinary record o anumang health condition ang mag-apply sa naturang programa.
Nakatakda naman na ihain sa Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa para sa pag-apruba at sa oras na tuluyan na itong maaprubahan ng SP ay uumpisahan naman ang pagtanggap ng mga aplikasyon sa taong 2024. |ifmnews
Facebook Comments