Ipinapatupad na ban sa pagpasok ng meat products mula Luzon, pinaalis ng DILG  

Pinaaalis na ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang ipinatutupad na ban ng ilang lugar sa pagpasok ng mga dokumentadong process meat products mula Luzon.

Kasunod ito ng pagharang ng 56 na probinsya sa Visayas at Mindanao sa mga produktong karne na gawang Luzon kung saan may outbreak ng African Swine Fever.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, pananagutin niya ang mga LGU na humaharang sa mga sertipikadong meat products.


Pinapayagan ng DILG na makapasok ang mga processed meat products na walang sangkap na baboy gaya ng corned beef at chicken hotdog at iba pang katulad na produkto basta mayroong Certificate of Product Registration mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Pwede ring ibiyahe ang mga processed pork product basta may Veterinary Health Certificate at kaukulang Sanitary Permits.

Kailangan namang mag-prisinta ng Certificate mula sa National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga produktong hindi naluto gaya ng longganisa at tapa.

May temperatura ring dapat sundin ang mga kumpanya sa pagluto ng karne.

Facebook Comments