Ipinapatupad na regulasyon sa mga fraternity sa mga kolehiyo, balak ng CHED na rebisahin

Manila, Philippines – Nakatakdang maglatag ng proactive approach ang Commission on Higher Education (CHED) sa pamunuan ng mga eskwelahan partikular sa kolehiyo upang maiwasan ang karahasan na may kaugnayan sa ipinatutupad na regulasyon sa fraternity, ito ay kasunod ng pagkamay ng UST law student na si Horacio Tomas Castillo III.

Ayon kay CHED Chairperson Patricia Licuanan, kailangan rebisahin ang CHED memorandum order number 4 noong 1995.

Ito aniya ay upang malaman kung may sapat na ngipin ang naturang memorandum upang makasuhan ang mga sangkot sa marahas na aktibidad sa fraternities.


Sa memorandum order number 4, nakasaad na ang mga opisyal sa mga fraternity na nagkasala ay papatawan ng anim na pung araw na suspensyon.

Dagdag pa ni Licuanan, inaantay nila ang report ng pamunuan ng uniberidad sa pagkamatay ng biktima na si Horacio Castillo III.

Facebook Comments