IPINASA | AFP, bahala na kina Agcaoili at Jalandoni – PNP

Manila, Philippines – Hindi na aalayan ng Philippine National Police sina National Democratic Front chief negotiator Fidel Agcaoili at NDF senior adviser Luis Jalandoni sa nakatakdang pagdating ng mga ito sa bansa para makipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, ipinauubaya na nila sa Armed Forces of the Philippines ang pagalalay sa mga NDF Officials.

Wala rin aniya silang natatanggap na koordinasyon mula sa Office of the President para sa pagdating ng mga NDF Officials.


Aminado rin si Albayalde na hindi niya alam kung mayroong outstanding Warrant of Arrest o nakabinbing kaso sa korte sina Agcaoili at Jalandoni pero handa naman sila na bigyan ng escort ang dalawa sakaling kailanganin.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Albayalde na naghihintay lamang sila ng utos mula sa Pangulo para sa pagbabalik ng dalawa sa bansa.

Facebook Comments