Manila, Philippines – Natanggap na ng Philippine National Police ang kahilingan ng tanggapan ni Senate President Vicente Sotto III na makapagsagawa ng pagdinig ang Commitee on Social Justice Welfare and Rural development na pinamumunan ni Senator Leila De Lima sa PNP Custodial Center.
Sa ipinadalang letter of request ni Senator Sotto sa PNP nakasaad dito na maraming naantalang pagdinig Si Senator De Lima na kailangan nang matalakay.
Pero ayon kay PNP Spokesperson Sr Supt Benigno Durana inihahanda pa nila ang kanilang isasagot sa request ng senador sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa kanilang mga abogado.
Dadag pa ni Durana na nakuha nila ang kagustuhan ng Senator Sotto na dapat lahat ng mga mahahalagang panukalang batas na pinamumunuan ni Senator De Lima ay napaguusapan kahit pa ito ay nasa PNP custodial center.
Ngunit kailangan rin aniyang ikonsidera ang implikasyon o idudulot nito sa seguridad.
Si Senator De Lima ay nakakulong ngayon sa PNP Custodial Center dahil sa kasong pagkakasangkot sa transaksyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.