IPINASA-SUBPOENA | Construction firm na nakakuha ng maraming kontrata sa gobyerno, ipatatawag ng Kamara

Manila, Philippines – Ipinasa-subpoena ng Mababang Kapulungan ang may-ari ng C.T. Leoncio Construction and Trading Company na si Consolacion Leoncio.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya JR., ipinatatawag sa Kamara si Leoncio kasunod na rin ng pagkakadiskubre ng mahigit 30 government projects na nakuha nito sa ilalim ng 2019 proposed national budget.

Ang C.T. Leoncio ay isa lamang sole proprietorship pero nagawa nitong makakuha ng bilyong pisong mga proyekto mula sa pamahalaan.


Kasama rin sa ipinapasubpoena ang mga regional director at district engineers sa mga lugar na may nakuhang kontrata ang C.T. Leoncio gayundin ang mga COA officials na nag-audit dito.

Natuklasan din ng Kamara na ang C.T Leoncio ay nasa Bulacan pero ang mga government projects na nakuha nito ay sa Sorsogon, Catanduanes, Samar, NCR, Pangasinan, Batangas, Tarlac, at Camarines Sur.

Facebook Comments